Buhay OFW: Kwento ng isang OFW for 20 years

Ako nga pala si Raymundo Daliuag tubong Tuguegarao, Cagayan. Nagstart akong mag-overseas nung 2000, so almost 20 years na. Maliliit palang yung mga anak ko nung nag-OFW ako. Yung panganay ko, about 7, yung pangalawa, 3 and a half years old, at yung bunso ko, more than 1 year.

Ano pong pakiramdam nyo nung una kayong makalipad papuntang ibang bansa?

Noong una, syempre, excited kumita ng dolyar para sa pamilya. Nakalipad ako, with the help of God’s grace. Nakarating ako sa Africa.

Naging manager ako sa isang specialized timber company. Ang amo ko, Managing Director, ay isang Lebanese . Mabait naman. Nagkataon yung Lebanese na iyon ay isang Orthodox Catholic. Ako naman ay Roman Catholic. So, nagkaroon ako ng pagkakataon.

Paano po kayo nakapunta ng Africa?

May nagdala sa akin dito. Pero after few months, namatay.

Alam mo naman dito sa amin sa Africa, malakas ang malaria. So hinatid ko sa ospital about 6 o’clock in the morning. Nag-usap pa kami, and then 9 o’clock, nawala na sya. Na-comatose for 3 days, then after 3 days, wala na. Nagpaalam na talaga.

Kumusta naman po ang trabaho nyo sa abroad? Pwede po ba kayong magshare ng mga naging experience nyo as an OFW?

Naging tatlo din yung companya na nilipatan ko.

Yung first company ko, nagkaroon ng conflict between the owner and then the managing director. Yung managing director, inaako nya yung company, which is hindi naman kanyan. Every Friday, may case hearing sa Accra, sa main city. Lahat ng kinikita ng company, talagang nagagastos. Meaning to say, yung sweldo namin, delay delay. More than 8 years din bago natapos yung kaso. 7 years din akong nagdusa.

Meron pa yung one time na almost 5 months, hindi ako pinasahudan. Nadelay yung sweldo ko, yung asawa ko, naging suspechoso. She suspects that I have a wife here in Africa.

She cut all the lines of my children, landline and 3 mobile. I tried to call, nothing. Hindi ko sila macontact sa Pilipinas. Para akong nabuburyong talaga. Iba na yung utak ko. Hindi na ako makakain, hindi na ako makatulog. Kahit anong gawin ko. Buti nalang kamo, 1 week nalang before ganun yung nangyari, magbabakasyon na ako sa Pilipinas. Pag bakasyon ko, binigay naman lahat yung sahod ko. Pinaliwanag ko sa asawa ko, yun naliwanagan naman sya.

Nung sinundo nya ako, walang imik. Ni “Hi. Hello”. Para bang pipi. Ako, li-low lang ako. Pagdating sa bahay, I explained myself.

So naging 3 companya ko. Naging departmental key head ako, naging HOD (Head of Department). Talaga namang tutok tutok ako sa trabaho. 6am to 6pm ang trabaho namin ehh, pero tyaga tyaga lang.

Ano pong pakiramdam nyo  pabalik sa Pilipinas para magbakasyon? Ano po yung mga ginawa nyo?

Nung first time kong pauwi, excited, syempre. Makita mo pamilya mo. One month bakasyon ako.

Ang ginawa ko, tinawag ko yung mga kumpare, mga kaibigan. Painom dito, painom doon.

Pero ang kalahati ng pera ko, binigay ko sa pamilya ko. Yung kalahati, waldas dito, waldas doon. Ganun talaga ang style ng OFW, feeling proud.

2 years yan na habang pauwi ako, painom. Nung 3rd na paguwi ko, narealize ko, yung mga kaibigan ko, gusto nalang pala nila ako pag may pera ako. Kaya noon, thereafter, hindi na ako nagpapainom.

Kasi nga pinagbaguran ko yun ehh. Then winawaldas ko sa mga kaibigan ko, mga kumpare ko. Pagkatapos nun, hindi na nila ako pinapansin. Nawawala na yung pagkaibigan namin. Ewan ko ba. Ganun siguro ang ugali ng pilipino. Habang may pera ka, hinuhut-hut ka. Sorry to say, pero yun po ang naging experiensa ko.

645E7AA4-84C1-4A4A-9677-08E0F96E66F8.jpeg

Noong matapos na po ang bakasyon nyo, syempre pabalik na po kayo ulit sa Africa, kumusta naman po yung pagbalik nyo?

Pagbalik  ko sa Africa, ang sinakyan ko ay KLM. Ang haba ng oras. More than 13 hours, Manila to Netherlands, Schiphol Airport.

Habang nasa taas ako ng ere, sa eroplano, umiyak ako. Talagang hagulgul ako ng iyak. Dahil siguro, namimiss ko na yung mga anak ko, pamilya ko.

Pagdating ko sa Schiphol Airport, tawag agad ako sa asawa ko. Sabi ko sa asawa ko, “Mi, hindi ko makaya. I have to go back”.  Tahimik lang yung asawa ko. Yung asawa ko nursing psych. Pinabayaan nya akong nagsalita ng nagsalita, then sinabi nya sa akin,”Paano pamilya mo pagka uwi ka ?”. Yun ang salita nya.

Nagdasal ako ng konti, then yun, naliwanagan ako. Kaya pala ako umalis sa Pilipinas, para sa mga anak ko.

Ano po ang motivation at dahilan nyo kung bakit po kayo nakatagal ng 20 years sa abroad?

Yung mga anak ko, nagaaral sa private school. Yun ang naging prinsipyo naming mag-asawa na ilalagay namin sila sa prestigious schools. Meron talaga kaming balak na bigyan sila ng magandang edukasyon. Yun talaga ang prime objective namin, objective ko, kaya ako nag OFW, dahil sa mga anak ko. Nakikita ko na meron silang talento.  Yun ang naging inspiration ko, yung mga anak ko.

Ano po ang masasabi nyong achievements nyo sa pagiging OFW?

Ayun, yung panganay ko, nakapagaral sya La Salle Benilde. Manager na din sya sa isang resort dito Sa Ghana. Meron din kaming maliit na bahay na ginawa sa Bulacan. Nakakuha din ako ng unit sa harap ng ust. Doon nagaaral yung dalawang anak ko. Yung bunso ko at yung pangalawa ko. Sana walang masamang mangyari o magkaproblema sa school nila, nang makagraduate na yung mga anak ko.

Nung isang araw birthday ko, October 29, sinama ako ng anak ko sa Marriott Hotel. Nakakatuwa naman, ever since the beginning, ako lagi ang taya eh. Sa lakad naming pamilya, ako lagi taya. 60 years old na ako. Sabi nung anak ko, “Pa, wag, ako.”. Nagulat ako. Nakakatuwa talaga. Yung anak mo yung magbabayad ng kinain namin. I’m very happy with her. Hopefully soon, yung dalawa nyang kapatid ay ganun din.

Meron po ba kayong regrets or mga namiss dahil nga OFW kayo?

Mahirap ang magiging OFW. I didn’t see them, my children. Hindi ko na sila nakita na lumaki. Nagugulat nalang ako, paguwi ko, ako kasi 11 months ako umuwi para magbakasyon, ang laki laki na nila. Kasi yung bunso ko, 1 year and 5 month lang noon nung pagalis ko. Ngayon, almost 21 na sya. So hindi ko nakita yung pag laki nila.

Magugulat nalang ako pag bumibili ako mga gamit. Natutuwa naman sila. Pero yung mga anak ko, hindi sila mahilig sa gadget at mga alahas. Priority nga yung savings nila, yung education nila, yung shelter, ganyan.

 

CDD41222-EB63-46DF-97C3-F000F9A93960

Ano po ang advise nyo sa mga OFW at mga nagbabalak maging OFW?

Ang advise ko sa inyong mga OFW, kilangan maging humble kayo. Kasi madami na akong nakikitang mga pilipino sa ibang bansa, no pansin sila. Hindi katulad noong araw, noong nasa college ako sa Manila, pag punta mo pa lang sa Luneta, pag may makita kang mga pinoy, kumustahan. Lalo kung marinig mo lang yung lingguahe katulad ng lingguahe mo, batiin mo.

Tama yung sinabi ng lolo ko at nung tatay ko, be humble. Ang lata, pag kalahati lang ang laman, maingay. Pero pag puno yan, walang ingay yan.

Yung mga pilipino dito, pagdating sa kainan, sa laro (basketball), pirmi ang pera, parang tubig. When it comes to sickness, when it comes to magcontribute kami for the person na nangangailangan ng tulong, wala. Kahirap mo silang kausap na magbigay.

Itong lately lang reorganization ang Filipino Association. May namatayan kaming isang pilipina na naging asawa ng afrikano. Nagkaroon sya ng cancer, ovarian disease. Ako, tahimik tahimik lang. Tinitignan ko, wala man Lang dumudukot. Kahit man Lang isang sentimo na para sa patay. Pero pagdating sa pleasure nila, kainan, basketball, lumalabas ang pera. From then on, zero na talaga akong nakisapi sa mga organization.

Ang advise ko Sa inyo, be humble, pray to God, and remember your family always. Kaya nga tayo na dito para sa family.

It’s very difficult to be an OFW. You are very far apart from your family. Thousands of miles away from you family. So isipin mo, ang hirap ano. Pero dahil na-ipromise mo sa sarili mo na kahit anong hirap, gawin mo. Para sa pamilya mo.

Isa pa, when you work in any company, isipin mo lagi na yung company ay para sayo. Hindi yung pagpasok mo, naka in ka na, then pag out mo, tapos ka na. Kaya siguro naging successful ako dahil ang iniisip ko lagi na ang kompanya na pinagtratrabahuan ko, ginagawa kong parang sarili ko.

Huling katanungan na po. Ano po ang sikreto ng 20 years na OFW?

Kaya nga inabot ko itong mag 20 years dahil siguro sa ganun na style ko. Hindi naman ako ka galingan. Dahil siguro sa inspiration ko sa pamilya at yung inaako yung kompanya na sa akin. Ganun ang naging puhunan ko.

Everyday akong nagdaraaal. Every morning yan. Nagdarasal ako bago maligo, then breakfast.

 

This is actually a video interview, but due to the video quality, I decided to transcribe it instead. 

I did my best in keeping the integrity of the interview, and rest assured that the responses were not deliberately altered.

Lastly, yes, the interviewee is my dad.

 

 

 

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s