Kumusta sa Hong Kong? | Insights from Tita Cynthia Tomboc

Ano pong nature ng work nyo and ilang years na po kayo sa workplace nyo?

Nag start ako nagwork dito sa Hongkong since 1992 as DH (Domestic Helper) . Main task , taga luto. Worked 1992 to 1997.

Went home to have Karen . April 1997 to 1999.

Came back Hongkong April 1991 . Karen was only 1 yr and 2 months.

Worked for another 5 years . April 1999 to Feb 2004.

Went home again to have KC.

I came back Hongkong again , February 2007. And continuously working until now. So, been working here for 23 years.

Paano po ang magtrabaho Sa Hong Kong? Pano po ang typical off day nyo? (Meron po bang mga Filipino community and events sa area nyo?)

Majority dito ay all around at iisa ang helper ng isang pamilya. Once a week holiday and 12 statutory holidays in a year. At may annual leave din.

Mayroon mga Filipino community dito. Karamihan pag holiday ay pumunta sa mga churches nila. Ibat ibang religion. Mga 130,000 Filipino dito at karamihan ay DH.

Kumusta naman po ang kalagayan nyo sa kabila ng Hong Kong and China conflict. Ano pong tingin nyong magiging epekto ng conflict sa mga OFW?

Wala naman problema sa amin . Huwag lang makisali sa nga ginaganap nilang protest .

Hindi talaga ma stop ito hanggat di makantan ang lima nilang demand sa gobyerno . Though na widraw na yung isa . Stop pansamantala dahil sa NCOV .

Kumusta naman din po kayo sa kabila ng Novel Coronavirus? Paano po kayo naapektuhan ng Coronavirus outbreak ang daily life nyo?

May mga victim na rin dito at isa na ang nabalitaang namatay. Kaya , serious na ang dating dito. Lahat na ay naka mask pag lumalabas.

Panic buying na rin ang mga tao . At haba mga pila kung saan makabili ng mask.

So advise ng gobyerno. Stay indoors. Kami di na rin maka holiday. Pwede mag holiday pero dito lang sa bahay.

Paano po kayo nag-cocope sa situation?

So far , ok lang naman din . Basta keep on praying 🙏. At take precautions. Stay away sa mga maraming tao.

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s